Ako si Eka.
Dalawampu't isang taong gulang at kokonti lamang ang nalalaman sa mundo tungkol sa mga bagay bagay
Alien
Parang walang pakelam sa mundo..well minsan ganun ako. Ayoko nakikisiksik sa kung kanikaninong buhay.
Yosi, internet at tsokolate masaya na ko.
Marami akong problema na hindi naman dapat. Epal kasi ako e. Ang dami ko gustong gawin..kaso tamad ako. :]
♥ STAY HAPPY EVERYONE! ♥
Reblogged from icantspellyou
Pero meron namang common sense at logic, kaya kahit papaano pwede kang maging rational sa pagbibigay ng advice.
Ewan ko lang, baka tinotopak nanaman kasi ako. Ilang araw na kong nakakubli dito sa kweba ko. Sobrang naiinis pa rin ako kasi di ako naka.alis kahapon. Di ko alam bat ganto, nanghihinayan ako sobra hahahaha parang tanga lang..ang saya DAW kasi nila kagabe. Galit saken ung nagpa.eb :| tokis daw ako :)
Mejo nagsasawa na ko sa ganitong set-up, parang gusto ko na maghanap ulit ng work. Parang lang ha :)) ang hirap kasi..nakakahiya nga naman palaging humingi ng pera.:)) Kapag nagkawork ako..gusto kong bumukod ng bahay, kahit maliit lang na apartment, ayaw ko na kasi dito. :) May monster kasi.
Happy Birthday pala sa bi ep ep ko. :) Tiro. Kung asan ka man..sana masaya ka :)) Matanda ka nanaman. Yuck. Hahahahaha. Echos. Di kita maabutan..wala akong kachismisan na. :( namimiss na kita kachismisan. =)) Stay happy! :]
Oh yes!Miss ko na sya. Ako lang hindi nia namimiss. :)) Amen. =)) Kamusta na kaya sya. Anyare na kaya sa kanya :)) Walang paramdam e. :)) Wala atang naaalala. Letse hahahahaha. Anyway..wala naman ako magagawa :) nganga nalang.
Ayown lang. Nayayamot na ko :))
Nakakahiya lang.
Akala ko pareho kami ng taong binabanggit. Magkaiba pala. :)
Kunyareng close pa naman na kame. tapos…malalaman laman namin magkaiba kami ng taong binabanggit. Tengene leng.
Ngayon? Wala na. ang awkward bigla. wala ng usapan. hanggang smileys nalang tas wala na. Boom.
Sayang lang. Pakiramdam ko kasi mabait kang kaibigan.
Salamat padin. :)
At dahil wala ako magawa..eechos nalang muna ako.
*kanta muna ko sa kawalan.
Ewan ko. Gusto ko yung may super kadooper guy bestfriend ako (oo, bestfriend lang, no romantic feelings involved). Yung kapag naiinip siya sa bahay nila susugod siya sa bahay ko para lang makipagkulitan. Yung kapag day off ko at free din siya sa bahay ko or bahay niya lang kami ha-hang out. Chill chill lang. Yung sa sobrang close nababatukan ko na siya kapag inuubos na niya yung pagkain sa bahay namin.
Yung close na close din siya sa parents ko at ganun din ako sa kanya. Basta talagang kapatid ang turingan. Lulusob siya sa bahay hindi para makita ako kundi para yayain ang tatay ko na maglaro sila ng billiards. Yung lalambingin ang nanay ko na magluto siya ng masarap.
Tapos kung may date sila ng gf niya at bigla siyang tinamad, babatukan ko siya at papangaralan na dapat huwag niyang pasasamain ang loob ng babae. Pero lalambingin ko siya minsan na sakin na lang siya magspend ng araw instead na sa gf niya. Haha, ang sama! Pero syempre pag tumanggi siya ok lang, priority parin dapat ang gf.
Tapos yung magdedemand din siya ng konting time kapag sobrang busy ako sa work at laging boyfriend ko ang kasama ko. Gusto ko yung magseselos siya ng konti sa time. Gusto ko ibe-bestfriend din niya ang boyfriend ko at ganun din ako sa girlfriend niya. Double date once in a while is perfect!
Gusto ko din kapag pinaiyak ako ng bf ko instead na susugurin at susuntukin niya yung guy, aasarin niya ako at yayayain na lang na gumimik or kulitin ako sa bahay.
Basta gusto ko ng super kadooper one and only guy bestfriend na pwedeng maging kuya, tatay o reliever ng boyfriend.
Bestfriends lang, no romantic feelings involved. At mas lalong hindi BESTFRIENDS WITH BENEFITS.
—ANG SARAP MAGKARON NG GANITO. :)